A fusion of eccentricities and quirks, adventure and solitude, complication and simplicity...
Seriously funny...
Crazy...
Fierce...
A lover of freedom and independence
H.O.T. - H-appy O-ptimistic T-hankful
Dumating ka ng hindi nagsabi
tulog pa ang diwa’t pati kaluluwa’y naglalamyerda sa kawalan
pinilit mo akong bumangon…
sumunod naman ako kahit ang isip ay lutang.
itinulak mo akong pilit…
nahulog ako…
ginising mo ang kamalayan sa mga salitang hindi malilimutan…
tanong na nambibitin…
napatigil ako…
napaisip…
kinabahan…
at pumitig ang ugat na inagiw na ng panahon at pagkakataon.
at nang matapos ang pag-uusap ng gabing iyo’y sabay nating binaybay ang kalsada ng hindi mawaring pakiramdam…
nangangapa…
nagpapakiramdaman…
sa ilalim ng maliwanag na sinag ng buwan…
sa ilalim ng maliwanag na sinag ng buwan…
ang mga anino’y animong nagsasayaw sa galak
ngunit iniiwasang magdikit ang mga katawan
kahit na nangungusap ang ating mga kaluluwa…
na parehong pagod…
na parehong sugatan…
na parehong nag-aalinlangan…
ngunit kapwa tumatanaw pa rin ng pag-asa…
Binabasag ng dumadagundong na ingay ng pagpintig ng puso ang katahimikan.
Na kapwa puso lamang natin ang nakaririnig…
sa ilalim ng maliwanag na sinag ng buwan…
sa ilalim ng maliwanag na sinag ng buwan…
Tayo ay naglakad patungo sa walang hanggan.