inksurge

A fusion of eccentricities and quirks, adventure and solitude, complication and simplicity...

Seriously funny...
Crazy...
Fierce...
A lover of freedom and independence
H.O.T. - H-appy O-ptimistic T-hankful

    Text
  1. SANA

    Pinilit kong makatulog kahit hindi pa dinadalaw ng antok

    Dahil sa pakiwari ko’y sa piling mo’y isang bangungot.

    Pinilit kong makalimot kahit ag isip at puso’y bantulot

    Dahil sa pakiwari ko’y mauuwi ang lahat sa sigalot.

    Lumayo ako. Malayong-malayo.

    Sa lugar na hindi mo makikita…

    Sa mundong ako lang ang nakakaalam…

    Tahimik. Madilim. Malungkot.

    At nang magdaan ang isang libo’t isang daang panaginip,

    Muli tayong nagtagpo.

    May kung anong kabang di mawaring pakiramdam. bakit?

    nagbabalik ka? Pero ang pagbabalik mo nama’y upang magpaalam…

    Na ikaw naman ang lalayo. Malayong malayo…

    Sa lugar na hindi ko nakikita…

    Sa mundong ikaw lang ang nakakaalam…

    Tahimik. Madilim. Malungkot.

    Pero tumatanaw ka ng mumunting pag-asa.

    Na paglabas mo sa presong parisukat, ay may nag-aantay sa iyo…

    Sana ay matisod kong muli ang lakas ng loob na harapin ka…

    Sana ay mapitas ko ang bunga ng paniniwalang balang araw, ikaw at ako.

    Sana ay masisid ko sa malawak na karagatan ng kawalan

    Na ang pagtatapos ng kwento ay “tayo”

    Sana…sana…sana…

    -ni Natividad P. de Leon

    April 2, 2011

    11:12 pm

Powered by Tumblr Theme by Matt